Tuesday, September 25, 2018

Tanka at Haiku

Kaarawan

Manunulat: Little A.G.

Siyam ng taon
Puno ng pananabik
Ngunit naglaho
Araw ng kasiyahan
Puno parin ng lumbay


Pag-asa

Manunulat: Little A.G.

Mundong maitim
Hindi dapat isuko
Ibong maputi



Thursday, June 28, 2018

Domestikong Karahasan

Ano nga ba ang Domestikong Karahasan?
Una sa lahat, ang Domestikong Karahasan ay pinangalanan ding Domestic Abuse o Karahasan sa Pamilya o pang-aabuso ng isang tao sa isang bahay o tahanan. Nangyari ito madalas sa panahon natin ngayon, lalong-lalo na sa mga kinasal na o nakikipagsama-sama. Maaari ring mangyari ang karahasan sa mga bata, mga magulang, o mga matatanda. 

Ito ay isang halimbawa ng Domestikong Karahasan:




Pangalawa, ang Domestikong Karahasan ay hindi lamang ito nangyayari sa panahon natin ngayon kundi nangyari na din ito noon. Ito ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit mas dumarami ang mga nang-aabuso ng mga tao sa panahon ngayon. Kung hindi nga sana nasimulan, hindi din sana dumami ng tuluyan. 





Pangatlo, hindi lamang ang mga babae, mga bata, o kaya mga matatanda ang inaabuso ng mga tao. Sa mundong ito, marami ang nangyari, nangyayari, at mangyari. Sinekreto man o hindi, makikita't malalaman parin na kasali din ang ibang mga lalaki sa mga inaabuso. Kung noon ay babae lamang ang inaabuso, ngayon ay may mga lalaki na din. Marami ang pwedeng maging dahilan, ngunit ang masabi ay hindi palaging katotohanan.





Paano ba natin ito matigil o kahit mabawasan man lang?
Maaari tayong gumawa ng mga hakbang upang maitigil ang Domestikong Karahasan. Mga hakbang na hindi gawin sa imahinasyon lamang kundi gawin din sa totoong buhay. Gaya ng kasabihan na 
"Kapag isipin ko na magagawa ko, ay gagawin ko. Kapag gagawin ko, ay magagawa ko." Endou Mamoru mula sa anime na Inazuma Eleven
Kaya gawin kung ano ang makakaya, upang makatulong sa nawalan na ng pag-asa.


Kapag ikaw naman ang inaabuso, wag na wag isipin na walang tutulong kahit malapit nang maubusan ng pag-asa. Malapit pa lamang maubos, hindi pa naman ubos. Lumaban ka. Magpakatatag ka. Kahit isang makapitang pag-asa ay kayang-kaya nang ipaglaban ang iyong hustisya.


Manunulat: Salamat sa pagbasa. Sana'y nakatulong ako sa anumang tanong, paglilinaw, o pagbibigay-ideya tungkol sa Domestikong Karahasan.