Tuesday, August 25, 2020

WIKA

Ang wika ay napakahalaga sa bawat tao ng kanilang bansa ngunit sa bansang Pilipinas, bakit mas nangingibabaw pa ang lengguwaheng Ingles? Paano ba mapapalawak ang wikang Filipino? 

"Upang mas maraming magkakaintindihan"

"Dahil ayaw na ng kabataan na gumamit ng tagalog"

"Nasa bagong panahon na tayo"

"Ang sosyal kasi pakinggan"

Iba-iba ang mga dahilan ng bawat tao na mas pinili ang Ingles sa kanilang tahanan o panlipunan ngunit alam naman nating lahat na ang wikang Filipino ay dapat mahalin at bigyang halaga upang mapapalawak ang wikang Filipino.

Kapag turuan ng mabuti at gawing unang pananalita ng bawat tao ay mas matuto naman ang mga bata kung paano magsalita ng Filipino at hindi na mahihirapan sa pagsasalita nito. Hindi naman kailangan ng deretsuhan. Dahan-dahan lang at masasasanay naman ang mga bata.

Ayon kay Virgilio Almario, mapaunlad ang wikang Filipino kapag ito ay “Gamitin nang gamitin sapagkat sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino, mas naisasaloob nila ang diwa na naroon sa mga salita” kaya mabuti nga na ipairal na ang kultibasyong kinakailangan ng ating wika upang ito ay lalago at uunlad.

Kapag hindi naman ang lahat nakakaalam kung paano mag salita ng wikang Filipino o kaya’y nahihirapan ngunit lumalaban ay puwede ring magtanong sa mga guro at mga eksperto at maghingi ng mga payo tungkol sa wikang Filipino at ipasa ang mga natutunan sa mga taong wala pang alam.


Kapag wala namang mapagtanongan ay puwede na rin mag maghahanap ng mga salita o di kaya’y mga kahulugan sa social media at ituro sa iba upang marami ang makakaalam.

Kapag wala namang internet sa lugar kung saan nakatira ang mamamayan ay puwede ding kumuha ng pahayagan o libro sa wikang Filipino o di kaya’y mga Alamat o iba pang mga tagalog na kuwento at basahin ito. May iba naman talagang mga tao na mas madali matuto kapag nagustuhan at nasisiyahan sa kanyang binasa at pagkatapos itong basahin ay irekumenda ito sa ibang tao upang mas maraming ang matutuwa’t matuto sa wikang Filipino.

Kung ayaw naman na palaging magsalita ng mamamayan ay puwede namang makinig sa mga taong nagsalita ng wikang Filipino kagaya ng mga tao na sumasali sa mga debate o di kaya’y sa mga balita sa radyo at telebisyon at kung gusto nga naman ay puwede na ding mabiyan ng inspirasyon ang mamamayan na maging kagaya ng mga taong kanyang napakinggan.

Marami namang paraan upang mapapalawak ang wikang Filipino ngunit ang lahat naman ay dumedepende pa rin sa tao kung gusto talaga niya matuto o hindi, kaya siguro nga na mas mabuting unahin ang pagpukaw ng mga puso ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng pagsisimula sa sarili at sa mga taong mas malapit sa iyo.