Monday, April 8, 2019

NOLI ME TANGERE

"Touch Me Not"
sinulat ni: Dr. Jose Rizal

Ito ang unang nobela ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda. Hango sa latin ang pamagat nito na may kahulugang "Huwag Mo Akong Salingin" o kung sa ingles ay "Touch Me Not."
Kilala ang Noli Me tangere bilang isang matalinong obserbasyon at pananaw ni Dr. Rizal ukol sa mga pangyayari nuong panahon pa ng mga kastila. Dito makikita kung paano tinatrato ng mga espanyol ang mga pilipino at kung paano magpanggap ang mga pilipino bilang mga espanyol.

Mga Tauhan
Don Crisostomo Magsalin Ibarra
Isang matalino, maginoo, mabait, at edukadong binata. Siya ang kababata at kasintahan ni Maria Clara at anak ni Don Rafael Ibarra.

Maria Clara delos Santos
Isang maganda, relihiyosa, masunurin, matapat, mabait at mahinhin ngunit may matatag na kalooban. Siya ang kasintahan ni Don Crisostomo Ibarra at anak nila Don Santiago delos Santos at Donya Pia Alba delos Santos.

Elias
Isang bangkerong maginoo, hindi mapaghiganti, maaalahanin, at may pambihirang tibay ng loob. Siya ang tumulong kay Crisostomo Ibarra at ang naging tunay niyang kaibigan hanggang sa wakas.

Don Anastacio (Pilosopong Tasyo/Tasyong Baliw)
Isang iskolar na may taglay na katangian ni Rizal na mapagpuna sa mga pangyayari, kaisipan na siyang una kaysa sa kanyang panahon kaya't hindi siya maunawaan ng marami at nagsisilbing tagapayo ng mga marurunong ng San Diego.

Padre Damaso
Isang madaling mauto at marupok ang kalooban sa mga papuring hindi sayang nagmumula sa puso ng nagpaparangal. Siya ay isang kurang Pransiskano na siya ring nagpahukay at nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael Ibarra.

Don Santiago delos Santos (Kapitan Tiago)
Isang taong mapagpanggap at laging masunurin sa nakatataas sa kanya ngunit sakim at walang pinapanginoon kundi ang salapi. Siya'y isang mayamang mangangalakal at asawa siya ni Donya Pia Alba na siya ring ama-amahan ni Maria Clara.

Don Rafael Ibarra
Isang taong naghahangad ng katarungan para sa kapwa, kahanga-hanga ang paggalang at pagtitiwala sa batas at pagkamuhi sa mga paglabag nito. Siya ang ama ni Don Crisostomo Ibarra at ang labis na kinainggitan ni Padre Damaso.

Sisa
Isang mapagmahal na ina at walang nalalaman kundi umibik at umiyak na may asawang pabaya at malupit sa siyang pinopoon at nagpapasakit alang-alang sa mga minamahal na anak. Ina siya nina Crispin at Basilio.

Padre Salvi
Isang mabait na prayle. Siya kurang pumalit kay Padre Damaso sa San Diego.

Basilio
Sinasagisag niya ang mga walang malay at inosente sa lipunan. Siya ang nakakatandang anak ni Sisa na isang sakristan at tagatugtog ng kampana sa kumbento kasama ang kanyang kapatid na si Crispin.

Crispin
Bunsong anak siya ni Sisa at kasama ni Basilio sa pagtugtug ng kampana sa simbahan ng San Diego.

Alperes
Siya ang puno ng mga guwardiya sibil at siya ring mahigpit na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego.

Donya Consolacion
Isang dating labanderang malaswa kung magsalita. Siya ang naging asawa ng Alperes.

Donya Victorina de Espadaña
Isang babaeng mahilig magsalita ng Kastila bagama't ito ay laging mali. Palaging puno ng kolorete ang kanyang mukha sa kanyang pagpapanggap bilang isang mestisang Espanyol.

Don Tiburcio de Espadaña
Isang taong maituturing na sagisag ng taong walang paninindigan at prinsipyo. Siya ay pilay at bungal na kastilang nakarating sa Pilipinas dahil sa kanyang paghahanap ng magandang kapalaran.

Alfonso Linares
Isang binatang malayong pamangkin ni Don Tiburcio. Siya ang napili ni Padre Damaso na maging asawa ni Maria Clara.

Tiya Isabel
Isang hipag ni Kapitan Tiago na nag-alaga kay Maria Clara simula nang siya ay sanggol pa lamang.

Donya Pia Alba delos Santos
Siya ang ina ni Maria Clara na siyang namatay matapos maisilang ang anak.

Tenyente Guevarra
Isa sa matatapat na kaibigan ni Don Rafael Ibarra. Siya ang tenyente ng guardia civil na nagkuwento kay Crisostomo Ibarra ng totoong sinapit ng kanyang ama.

Kapitan-Heneral
Siya ang tumulong kay Crisostomo Ibarra para maalis siya sa pagka-ekskomulgado. Siya ang pinakamakapangyarihang opisyal at kinatawang Hari ng Espanya sa Pilipinas.

Don Filipo Lino
Isang taong mahilig magbasa ng latin. Siya ay isang tenyente mayor na kaibigan ni Pilosopo Tasyo.

Lucas
Isang Indio na kapatid ng tauhang namatay sa pagbagsak ng kabriya sa ipinatayong gusali ng paaralan ni Crisostomo Ibarra. Isa siya sa mga sumapi sa tulisan.

Mga Buod
Kabanata 1: Isang Handaan
Ipinakilala ni Kapitan Tiago si Crisostomo Ibarra sa lahat ng kanyang mga bisita sa handaan, habang ang lagim na nararamdaman ni Padre Damaso kay Don Rafael ay sadyang bumalik at itinapon patungo kay Ibarra.

Kabanata 2: Crisostomo Ibarra
Malugod na ipinagpatuloy ni Kapitan Tiago ang pagpapakilala kay Don Crisostomo sa lahat na naroroon.

Kabanata 3: Sa Hapunan
Sa harap ng hapuna'y patuloy ang pagbabatia't pagbabalitaan tungkol sa mga karanasan ni Don Crisostomo sa Europa.

Kabanata 4: Erehe At Subersibo
Nakaramdam ng matinding sakit si Crisostomo ng malaman niya sa pamamagitan ng Tenyente ang tunay na nangyari sa kanyang ama.

Kabanata 5: Bituin Sa Karimlan
Pumunta si Crisostomo Ibarra sa Hotel Lala pagkatapos ng kanilang pag-uusap at dun naglaro sa kanyang isipan ang malupit at malungkot na kapalarang sinapit ng kanyang ama.

Kabanata 6: Si Kapitan Tiago
Si Kapitan Tiago, ang napangasawa ni Donya Pia Alba na pumanao na, ay ang pinakamayamang tao sa Binondo at ang kanilang anak naman ay walang iba kundi si Maria Clara.

Kabanata 7: Suyuan Sa Balkonahe
Sa balkonahe ng tahanan ni Kapitan Tiago, nangyari ang kanilang pagsusuyuan kung saan muli nilang binalikan ang mga matatamis na alaala't wagas na sumpaan bago sila ganap na magkahiwalay.

Kabanata 8: Mga Alaala
Di pa man ganap na natatapos ang pag-uusap ng magkasintahan ay umalis si Crisostomo Ibarra dahil bigla niyang naalalang kailangan niyang umuwi sa kanyang bayan.

Kabanata 9: Iba't Ibang Pangyayari
Nang papaalis na sina Maria Clara at Tiya Isabel upang kunin ang mga gamit ng dalaga sa Beaterio ay siyang dating naman ni Padre Damaso't pinagsabihan si Kapitan Tiago sa tanggapan.

Kabanata 10: Ang San Diego
Ang San Diego'y isang karaniwang bayang nagtataglay ng malaking sakahan sa Pilipinas na matatagpuan sa baybayin ng isang lawa.

Kabanata 11: Ang Mga Makapangyarihan
Dalawa ang kinikilalang makapangyarihan sa bayang ito, una ang kurang kumakatawan sa kapangyarihan ng simbahan at ang alperes na kumakatawan sa kapangyarihan ng pamahalaan.

Kabanata 12: Todos Los Santos
Ito ang panahon ng pagbibisita sa mga yumao, kung saa'y sa isang bahagi ng sementeryo ay masaksihan ang dalawang lalaking nag-uusap tungkol sa hinukay ng isa ng dalawampung araw na ginawa bilang pagtugon sa utos ng kurang malaki.

Kabanata 13: Hudyat Ng Unos
Dumating si Crisostomo sa sementeryo at nagalit nang makita niyang wala na ang bangkay ng kanyang ama't mabatid niyang kagagawan ito ng kurang malaki kaya ng makita niya si Padre Salvi ay sinugod ito agad sa pag-aakalang siya ang utak ng pagpapahukay sa bangkay ng kanyang ama.

Kabanata 14: Baliw O Pilosopo
Si Don Anastacio ay isang estudyante ng pilosopiya na natigil sa pag-aaral hindi dahil sa kahirapan o kahinaan ng ulo, kundi dahil sa takot ng kanyang ina na dahil sa katalinuha'y makalimutan na niya ang Diyos.

Kabanata 15: Ang Mga Sakristan
Si Basilio at Crispin, ang magkakapatid na humihila sa kampana ng simbahan, ay pinagbintangang mga magnanakaw na naging sanhi upang sila'y di pinahintulutang makauwi sa kanilang tahanan.

Kabanata 16: Si Sisa
Isang mayuming pilipina, kayumangging kaligatan ang kutis, at may angking kagandahan si Sisa bagama't makikita sa kanyang kaanyuhan na siya'y nagdaranas ng matinding kahirapan sala ng kasalantan at pagtitiis sa kamya ng kanyang malupit na asawa.

Kabanata 17: Si Basilio
Duguan dumating sa bahay si Basilio na tumakas mula sa kumbento na siyang dahilan kung bakit nangamba't natakot ang kanyang ina'ng si Sisa.

Kabanata 18: Nagdurusang Kaluluwa
Pumunta si Sisa sa kumbento ubang bisitahin sana si Crisping hindi naisama ni Basilio sa pagtakas mula sa kumbento ngunit nalaman niyang wala roon ang minamahal na anak at pinagtulakan pa ng mga babaeng trabahante palabas ng kumbento.

Kabanata 19: Karanasan Ng Isang Guro
Natuklasan ni Don Crisostomo sa pamamagitan ng isang binatang gurong tinulungan ng kanyang ama kung saan itinapon ang bangkay ni Don Rafael pati narin ang kahiripan ng guro dahil sa malupit na pamamaraan ni Padre Damaso.

Kabanata 20: Pulong Ng Bayan
Malapit na ang pista ng San Diego kaya isang pulong pambayan ang ginanap sa bulwagan ng tribunal na dinaluhan din ng mga lider ng bayang nahahati sa dalawang lapian; Partidong Conservador at Partidong Liberal.

Kabanata 21: Kuwento Ng Isang Ina
Pilit na ipinalabas kay Sisa ang kanyang dalawang anak na pinagbintangang tumakas at nagnakaw ng pera sa kumbento ngunit hindi siya pinaniwalaan ng guardia civil na hindi niya alam kung saan ang mga anak kaya siya nalang ang dinala sa kuwartel ng dalawang oras at pinalaya lang din naman ng Alperes.

Kabanata 22: Dilim At Liwanag
Abala ang mga tao sa San Diego sa paghahanda para sa nalalapit na pistang-bayan kaya dinalaw ni Don Crisostomo si Maria Clara at sa pag-uusap ng magkasintahan ay nakikiusap and dalaga na huwag imbitahan sa gagawing pagsasalo sa gubat si Padre Salvi ngunit hindi ito pinagbigyan ng binata.

Kabanata 23: Pangingisda
Niligtas ni Ibarra si Elias, isang piloto na papatayin sana mag-isa ang buwaya, at sinabing utang niya kay Crisostomo ang kanyang buhay.

Kabanata 24: Sa Gubat
Sa gitna ng pagsasalo ay biglang dumating si Sisa at mabilis lang ding umalis kaya ipinapahanap ni Ibarra sa kanyang mga utusan ngunit hindi na ito nasumpungan, maya-maya naman ay dumating din ang guardia civil upang dakpin ang tulisang si Elias, na nakasama nila Ibarra sa pamamangka.

Kabanata 25: Sa Bahay Ng Pantas
Pumunta si Don Crisostomo Ibarra sa bahay ni Polisopong Tasyo, isang matandang kinikilalang 'Tasyong Baliw' sa mga taong hindi makakaintindi sakanya, at humingi ng payo tungkol sa plano ni Ibarrang magpatayo ng paaralan.

Kabanata 26: Bisperas Ng Kapistahan
Naghahanda ang mga taga-San Diego para sa pista ng bayan na siyang kapansin pansin ang kasiyahang bumabalot sa mga bahay, lansangan, simbahan, sabungan, at pati na rin  sa mga kabukiran.

Kabanata 27: Kinagabihan
Si Kapitan Tiago'y lubhang marangyang naghahanda sa kanyang bahay dahil sa pananais na mahigitan ang handa ng mayayamang pamilya sa kanilang lugar at gayundin upang mapasaya si Maria Clara, ang labis na hinahangaan ng bawat taong nakakita sakanya, at ang kanyang mamanuganging si Ibarra, ang laging paksa ng lahat ng usapan ng mga taong kumilala sa kahusayan at kagitingan ng binata.

Kabanata 28: Mga Sulat
Sa pamamagitan ng mga sulat ay inilarawan ni Jose Rizal ang mga pangyayari sa bisperas ng kapistahan ng San Diego; Una, ang mga pagdiriwang ng mga mayayamang tao; Pangalawa, ang karanasan sa pagsusugal ni G. Martin Aristorenas kasama si Padre Damaso; at Pangatlo, ang sulat ni Maria Clara na nalulungkot dahil hindi nakita ang kasiyahan ng pista palibhasay masama ang pakiramdam nito.

Kabanata 29: Ang Araw Ng Pista
Sa araw ng pista, halos karamihan ng mga mamamayan ay nakasuot ng pinakamahuhusay nilang damit, magandang alahas, at mga sobrero.

Kabanata 30: Sa Simbahan
Sa loob ng simbahan ay nagsisiksikan at nagtutulakan ang mga mamamayan ng San Diego habang hinihintay ang sermon ni Padre Damaso

Kabanata 31: Ang Sermon
Lubhang tahimik sa loob ng simbahan habang nagsesermon si Padre Damaso tungkol sa kaluluwa, impiyerno, mga ayaw magkumpisal, kasamaan, at kamunduhan ng mga tao na nakabigay ng iba't ibang reaksyon ng mga tao ngunit sa huli ay nawalan ng saysay dahil nakatulugan at nakainipan ito dahil sa haba.

Kabanata 32: Ang Panghugos
Sa araw ng seremonya ng paghugos para sa paaralang nais ipatayo ni Ibarra ay may isang lalaking may maputlang mukha na patayin sana si Ibarra't mabuti nalang naroon si Elias at iniligtas si Ibarra sa tamang oras.

Kabanata 33: Malayang Isipan
Pinuntahan ni Elias si Ibarra sa kanyang tahanan at binigyan muli ng babala sa mga lihim nitong kaaway na siyang napagtanto ni Ibarra na malaya at malawak ang kaisipan ni Elias sa buhay.

Kabanata 34: Pananghalian
Masayang nagkatipon sa isang masaganang pananghalian ang ilang kilalang tao sa San Diego ngunit naputol ito ng dumating si Padre Damaso at ng binanggit ang ama ni Ibarra na siyang muntikan niyang ikinamatay kundi lamang sa mabilis na pagkilos ni Maria Clara.

Kabanata 35: Reaksiyon
Ang mga nangyari'y mabilis na kumalat sa bayan at umani ng iba't ibang reaksyon; Isa na roon ang Pagkadismaya at Pagsang-ayon ng mga tao ssa ginawa ni Ibarra.

Kabanata 36: Unang Mga Epekto
Bunga ng pangyayaring naganap sa pagitan nina Padre Damaso at Ibarra ay inutusan si Kapitan Tiago ng mga prayle na putulin ang relasyon nina Maria Clara at Ibara na siya namang labis na dinamdam ni Maria Clara kaya't maghapon siyang nag-iiyak at nagtanong sa Diyos kung bakit dapat niyang maranasan ang ganoong kasawian.

Kabanata 37: Ang Kapitan-Heneral
Dumating ang kapitan-heneral ng San Diego at sinadyang ipinahap si Ibarra na siyang hinangaan niya sa talino at pagmalasakit sa bayan kaya't nag-alok siyang tulungan ito.

Kabanata 38: Ang Prusisyon
Nang sumapit ang gabi ay inilabas na ang pang-apat na prusisyon na siyang maraming tao ang nanood at nakisama rito.

Kabanata 39: Si Donya Consolacion
Habang abala ang marami sa pakikipagpista, si Donya Consolacion ay nakakulong sa kanyang bahay dahil pinagbawalan siya ng kanyang asawa kaya sa pag-iisa ay napagdiskitahan niya si Sisa't pinaawit niya ito, pinasayaw, pinagsalitaan nang hindi magagamda sa wikang Kastila, at hinataw pa ng latigo nang hindi agad sumunod sa kanya.

Kabanata 40: Karapatan At Kapangyarihan
Halos magtatapos na ang dula nang dumating si Ibarra sa huling gabi ng pista na siyang pinamahalaan ni Son Filipino, ngunit hindi ginusto ng mga prayle ang kanyang pagdating kaya hiniling nilang paalisin ito sapagka't nanindigan si Don Filipo na hindi maaaring paalisin si Ibarra dahil malaking abuloy ito sa pagdiriwang pati na rin sa utos ng Kapitan-Heneral.

Kabanata 41: Dalawang Panauhin
Nang makauwi si Ibarra ay halos hindi siya dinalaw ng antok sa pag-iisip niya tungkol sa kaguluhang nangyari at maya-mayay may mga bisitang dumalaw; Unang dumalaw ay si Elias ay sinabing may sakit si Maria; Sumunod na dumalaw ay si Lucas na nangungulit sakanya tungkol sa perang makukuha ng kanyang pamilya dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid.

Kabanata 42: Ang Mag-Asawang De España
Halata ang kalungkutang bumalot sa bahay ni Kapitan Tiago habang hinihintay nila ang doktor na titingin kay Maria Clara, si Dr. Tiburcio de España, ang asawa ni Donya Victorina, na ang dahilan ng kanilang pagpapakasal ay upang matugunan lamang ang kanilang magkaibang pangangaiangan.

Kabanata 43: Mga Balak
Labis na nabalisa si Padre Damaso sa pagkasakit ni Maria Clara na siyang naibsan naman nang ipakilala sa kanya ni Donya Victorina si Alfonso Linares, ang inaanak ng bayaw ni Padre Damaso.

Kabanata 44: Ang Pangungumpisal
Nabinat si Maria Clara matapos mangumpisal sa gabing iyon at napagdesisyonan nang mangongomunyon ang dalaga.

Kabanata 45: Ang Mga Api
Hinanap ni Elias si Pablo, ang matandang lalaking tumulong sa kanya ilang buwan na ang nakalipas, na kasalukuyang nagtatago dahil itinuring siyang rebelde ng pamahalaang Espanyol.

Kabanata 46: Ang Sabungan
Ipinakita sa sabungan ang iba't ibang uri ng tao, ang iba't ibang uri ng dahilan ng pagpunta, at ang kanilang ginagawa pagkatapos ng panilang pagkatalo.

Kabanata 47: Ang Dalawang Donya
Ang paghaharap ng dalawang donya ay bunga ng pagpapahalaga sa sarili ni Donya Victorina at mababang tingin niya kay Donya Consolacion na umuwi sa pagbabanta niya kay Linares na kapag hindi hinamon ng duwelo ang tenyente ay ibubunyag niya ang lihim nito.

Kabanata 48: Isang Talinghaga
Unang dinalwa ni Ibarra si Maria Clara bilang isang ekskomulgado na malugod namang tinanggap ng tiyahin ni Maria Clara na si Tiya Isabel ngunit tila nabigla siya ng makita si Linares kaya agad na siyang umalis habang gulong gulo ang isipan at malamig ang kamay sa takot ng kanyang puso.

Kabanata 49: Tagapagbalita Ng Mga Api
Nakipagkita si Elias kay Ibarra upang sabihin ang mga hinaing ng mga manghihimagsik at sa huli ay hiniling ni Ibarra ang kuwento ng buhay ni Elias sa paniniwalang makatutulong ito upang higit niyang maunawaan ang mga hinaing na idinulog sa kanya.

Kabanata 50: Ang Kasaysayan Ni Elias
Ikinuwento ni Elias kay Ibarra ang kanyang mga kasawian sa buhay kagaya ng naranasan din ng kanyang mga ninuno.

Kabanata 51: Ang Mga Pagbabago
Naging balisa si Linares dahil sa matinding pagbabanta ni Donya Victorina at ng sa ganitong kalagayan, dumating sina Padre Salvi, Kapitan Tiago, Maria Clara, at maging si Ibarra.

Kabanata 52: Ang Mapalad Na Baraha
May mga lalaking nagtagpo sa sementeryo upang pag-usapan ang isang balak na siyang sinundan pala ni Elias para magmatyag kaya napagkasunduan nilang magsugal at ginawa nga nila ito sa ibabaw ng isang puntod ngunit nang matalo si Elias ay pinagsabihan siya ni Lucas na umalis at iwan siya.

Kabanata 53: Ipinakilala Ng Umaga Ang Magandang Araw
Habang abala ang lahat sa pag-uusap tungkol sa pangyayari sa nakita't narinig sa sementeryo ay binisita naman ni Don Filipo si Pilosopong Tasyo na siyang marami ring pinag-usapan.

Kabanata 54: Ang Sabwatan
Humahangos si Padre Salvi patungo sa bahay ng komandante upang ibalita ang natuklasan niyang sabwatan at pinayuhan namang huwag na humingi ng tulong sa garson upang mahuli ang mgay pakana ng lahat, at gaya ni Padre Salvi, natuklasan rin ni Elias ang maitim na balak kaya dali-dali niyang pinuntahan si Ibarra at hinimok na umalis upang hindi mapagbintangan o mapagbuntunan ng sisi, subalit, sa pagkakataong ito, ay may isang malaking lihim kaugnay ng ninuno ni Ibarra ang sa kanya ay mabubunyag.

Kabanata 55: Ang Kapahamakang Bunga Ng Pagsasabwatan
Natuliro si Elias nang natuklasang ang lolo pala sa tuhod ni Ibarra ang taong dahilan ng kasawian ng kanyang lolo at ng kanilang buong pamilya na siyang dahilan kung bakit nagbalik sa kanyang alaala ang lahat ng paghihirap, masaklap na kabiguan at kamatayang naganap sa kanilang pamilya dahil sa kagagawan ng lolo sa tuhod ni Ibarra, subalit, nahimasmasan siya at ipinagpatuloy parin ang pagtulong niya kay Ibarra sa pamamagitan ng pagtakas ng mga bagay at papeles ngunit nang matanaw niyang padating na ang mga guardia civil ay dinala na lamang niya ang pinakamahalagang bagay at sadyang sinunog ang silid na kumalat na rin sa buong bahay upang tuluyang maabo ang lahat ng dokumentong pwedeng magdiin kay Ibarra.

Kabanata 56: Ang Mga Sabi-Sabi
Takot ang lahat dahil sa pagkakatuklas ng isang bangkay na nakabitin at inakalang nagbigti, subalit, may isang taong nakakubli sa malapad na sombrero na walang iba kundi si Elias, ang nakakita ng ilang palatandaang hindi nagpakamatay kundi pinatay ang nakitang bangkay - ang bangkay ni Lucas.

Kabanata 57: Silang Mga Nalupig
Labis na parusa at kalupitan sa kalalakihang nahuling lumusob sa kwartel lalong lao na si Tarsilo habang nakakulong sila sa isang silid na napakadilim at nakasusulasok ang amoy.

Kabanata 58: Siya Na Dapat Sisihin
Agad na kumalat sa bayan ang balitang ililipat ng kulungan ang mga bilanggo kaya't ang mga kamag-amak ng mga bilanggo ay nagpalipat-lipat sa kumbento, sa kuwartel, at sa munisipyo nang nananangis habang nagmamakaawa at umasang mapigilan ang paglilipat ngunit walang magawa dahil ilipat parin ang mga bilanggo na siyang rason kung bakit sinisisi nila si Ibarra, pinagbabato, at pinagsisigawan ng masakit dahil sa bintang na siya ang nagpasimuno sa paglusob kaya ang bunga nito'y labis na kalungkutan dahil ngayo'y naniniwala siyang wala na siyang bayan, ni tahanan, walang nagmamahal, walang kaibigan, ni kinabukasan.

Kabanata 59: Pagkamakabayan At Kapakanang Pansarili
Lumabas ang lahat ng mga traydor o mga huwad na takot na takot na madamay ngayong inuusig na si Crisostomo Ibarra.

Kabanata 60: Ang Kasal Ni Maria Clara
Dumating sina Linares, Donya Victorina, at Don Tiburcio para mapag-usapan ang kasal at kinabukasan nama'y sinabi ni Tenyente Guevara na dapat sana'y napawalang-sala si Ibarra kung hindi sa liham ni Maria Clara na nagdiin sakanya sapagkat inamin ni Ibarra na siya nga ang sumulat ng mga liham, at nang natapos ang kasiyahan ay palihim na nagtagpo sa balkonahe sina Ibarra at Maria Clara kung saan inamin ni Maria Clara na si Padre Damaso ang kanyang tunay na ama.

Kabanata 61: Tugisan Sa Lawa
Tuluyan nang tumakas si Ibarra kasama si Elias, habang nag-uusap sila ay napadaan sila sa palasyo ng gobernador-heneral, at napansin nila ang pagkakagulo ng mga sundalo kaya tinakpan ni Elias ng damo si Ibarra upang hindi makita at nagpatuloy sa paglayag hanggang sa makita sila ng patrolya na humarang sa kanilang landas, dito na nagsimula ang barilan at tugisan sapagka't ng masusukol na sila ay nagdesisyon si Elias na tumalon at magpahabol upang mailigtas ni Ibarra ang sarili, kaya siya ang pinagbabaril ng mga sundalo hanggang sa tuluyan ng hindi lumutang muli.

Kabanata 62: Nagpaliwanag si Padre Damaso
Nalaman ni Maria Clara mula sa mga ulat sa pahayagan na nalunod daw si Ibarra kaya ninais na niyang umurong sa kasal kay Linares, humingi naman ng patawad si Padre Damaso sa ginawa niyang paghihimasok sa pag-iibigan nina Ibarra ngunit kahit anong paki-usap ni Padre Damaso'y nagpasya na si Maria Clara na umurong sa kasal at magmongha kung hindi, siya ay magpapakamatay.

Kabanata 63: Noche Buena
Isang pamilya sa bundok ang nakatagpo at tumulong kay Basilio na siyang araw bago ang noche buena ay nagpaalam siya upang puntahan ang kanyang ina at bumalik na sa mga bisig nito ngunit ng makita niya muli ang kanyang inay ay nabaliw na ito't hindi na kilala ang kanyang anak kaaya naghabulan sila't napatalon si Basilio at nahulog, kaya ng makita ni Sisa ang duguang anak ay nanumbalik ang mga alaala niya subalit iyon na pala ang huli nilang pagkikita, na pag gising muli ni Basilio'y lumisan na ang kanyang ina gayundin ang isang di kilalang lalaking sugatan at malapit na ring mamatay ang nakita niya at naghabilin ng gawain sa kanyang bangkay at sa bangkay ng kanyang ina kapag siya na ay namatay - sunugin hanggang sa abo nalang ang matitira.

Kabanata 64: Ang Katapusan Ng Noli Me Tangere
Ang lahat ng tauhna ay naiwang sawimpalad maliban lamang sa alperes na nakabalik sa Espanya at tumaas ang ranggo at kay Padre Salvi na nagkaroon ng bagong posisyon.

No comments:

Post a Comment